KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•ka

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
vaca
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

ZOOLOHIYA Malaki at maamong hayop (Bos taurus) na inaalagaan, may apat na paa, medyo baluktot ang mga sungay na mas maikli kaysa kalabaw; mapusyaw na tsokolate ang kulay at minsan ay may batik na putî; katulong ng tao sa pagbungkal ng lupa at sa paghila ng mabibigat na bagay; napagkukunan ng gatas ang babaeng uri.

Paglalapi
  • • bakahán, baká-bakáhan: Pangngalan
  • • pambáka: Pang-uri

bá•ka

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
vaca
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang lában

Paglalapi
  • • kabáka, pagbáka, pakikibáka: Pangngalan
  • • bakáhin, magbáka, makabáka, makibáka, mambáka: Pandiwa

ba•kâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Salitáng nagpapakita ng kawalang-katiyakan sa pahayag.
Bakâ hindi talaga iyan ang aklat na hinahanap niya.
MAAÁRI, POSÍBLE, SIGÚRO, MARÁHIL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?