KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•pí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Masamâ o hindi makatarungang pakikitúngo sa sinuman dahil sa kanilang kaliitan, kahinaan, at karukhaan ng kalagayan
HÁMAK, DUSTÂ, ABÂ, MALTRÁTO, ALIPUSTÂ

Paglalapi
  • • kaapihán, pag-apí, pagkaapí, pang-aapí, tagá-apí: Pangngalan
  • • apihín, inapí, ináapí, mang-apí, paapí, umapí: Pandiwa
  • • apí-apíhan, apíng-apí, mapáng-apí: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.