KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

an•tás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayan ng kaunlaran o pagiging kanais-nais.
Mataas ang antás ng kaniyang pamumuhay.

2. Tingnan ang lével

3. Tingnan ang baitáng

an•tás ng pag•ka•ka•ma•táy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

SOSYOLOHIYA Pagsukat sa bílang ng namamatay sa isang partikular na pook at panahon sa pamamagitan ng paghahati ng kabuoang bílang ng namatay sa kabuoang bílang ng maysakit. (Antas ng Pagkakamatay = Kabuoang Bílang ng Namatay ÷ Kabuoang Bílang ng Maysakit).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?