KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•lu•lód

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Estrukturang dinaraanan ng tubig-ulan sa bubungan o medya-agwa ng mga gusali.
BÁLISBÍSAN, KANÁL, PÁAGUSÁN, KALAPÁY, GUTTER

Paglalapi
  • • alulúran: Pandiwa
Idyoma
  • mababà ang alulód
    ➞ Sagot nang sagot gayong hindi naman kinakausap.
    Mababà ang alulód ni Aging kayâ kinaiinisan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.