KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•li•mú•om

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ingaw ng lupang nabasâ na karaniwang naaamoy kapag sikát ang araw at biglang umulan.
HUNÁB

Paglalapi
  • • maalimuóman: Pandiwa
  • • maalimúom: Pang-uri

a•li•mú•om

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Balitang nakukuha sa lansangan.
KUWÉNTONG-BARBÉRO, BALÍTANG-KUTSÉRO, TSÍSMIS

Idyoma
  • magságap ng alimúom
    ➞ Tumanggap ng mga tsismis o balita tungkol sa ibang tao.
  • mapagságap ng alimúom
    ➞ Mapagbalita ng kung ano-anong kabalbalan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?