KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•li•bang•báng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Munting paruparo na kulay-dilaw at karaniwang nakikita sa tabíng-daan.
ALIPARÓ

a•li•bang•báng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Punongkahoy (Bauhinia malabrica) na tumataas nang 8–10 metro, sali-salisi ang mga dahon, hugis-puso na may malalalim na ukit sa dulo, 5–10 sentimetro ang habà at karaniwang malapad, malaki ang bulaklak na kulay-putî, mahaba ang bunga, makitid, sapad, at maasim ang lasa, at ginagamit na panimpla sa karne at isda ang dahon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?