KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

A•la•ngán Mang•yán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mga katutubong matatagpuan sa Oriental Mindoro, partikular sa mga bayan ng Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria; at sa Occidental Mindoro, sa bayan ng Sablayan at sa ilang bahagi ng bayan ng San Jose at Santa Cruz.

2. Tawag din sa wika nilá.

a•la•ngán

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi angkop sa anuman tulad sa panahon, lugar, o katangian.

2. Tingnan ang atubilî
Nag-alangán siya sa tákot na mapagalitan.

3. Walang katiyakan.

Paglalapi
  • • pag-aalangán, pang-alangán: Pangngalan
  • • mag-alangán, mag-alangánin: Pandiwa
  • • alangánin: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.