KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•la•lá•ha•nín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
alalá
Kahulugan

1. Anumang nagdudulot ng pagkabalísa o kawalang-kaayusan.
Nabawasan ang aking mga alaláhanín nang gumaling si Ana.

2. Bagay na pinahahalagahan.

a•la•la•há•nin

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
alalá
Kahulugan

1. Panatilihin sa gunitâ; huwag kalimutan.
Alalahánin mo ang sinabi mo sa amin noong Lunes.

2. Mabalisá dahil sa isang bagay.
Huwag mong alalahánin iyon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.