KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•la•á•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kakayahan ng isip na makatipon ng impormasyon hinggil sa mga dáting karanasan o anumang kaalaman.
Nása alaála ko pa rin ang itsura ng ngiti niya.

2. Alinman sa mga bagay na naaalala.
Marami kaming alaálang pinagsaluhan.
GÚNAMGÚNAM, GUNITÂ, SALIMÍSIM, MEMÓRYA, BÚLAY-BÚLAY

3. Anumang ibinibigay bílang handog.
Munting alaála sa kaniyang pagtatapos ang salusalong ito.

Paglalapi
  • • pag-alaála, pagkamaalalahánin, pagkamapág-alaála, pang-alaála : Pangngalan
  • • maalaála, magpaalaála : Pandiwa
  • • maalálahanín, mapág-alaála, pang-alaála: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.