KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•lá•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghawak sa anuman upang tumulong sa paggalaw nitó o upang hindi mabuwal.

2. Pag-iingat o pagdadahan-dahan sa anumang kilos.

Paglalapi
  • • pag-aalálay, pag-alálay, pang-alálay: Pangngalan
  • • alaláyan, umalálay: Pandiwa
  • • alálay, naalaláyan: Pang-uri

a•lá•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang utusán

2. Pangkat ng mga táong nag-uumang ng baklad-gayarin.

a•lá•lay

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hinggil sa maingat, dahan-dahan, o marahang kilos o galaw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?