KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ak•yát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtúngo sa itaas mula sa mababang dáko.
ADYÓ, PANHÍK, ÁHON, SAMPÁ, DAPLÁS

2. Pagtaas sa tungkulin o katayuan.
ASÉNSO, UNLÁD

3. Pagdadalá ng anuman sa isang mataas na pook.

Paglalapi
  • • akyátan, mang-aakyát, pag-aakyát, pag-akyát: Pangngalan
  • • akyatán, akyatín, inakyát, maakyát, paakyatín, paakyát, pinaakyát, umakyát: Pandiwa
  • • paakyát : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.