KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•has

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Hayop na walang paa, sanga-sanga ang dila, mahabà at makaliskis ang katawan, at may ilang species na makamandág.

Idyoma
  • saanmáng gúbat ay may áhas
    ➞ Saanmang lugar ay may táong nakaiisip ng masama sa kaniyang kapuwa.
    Huwag kang lubos na magtitiwala sa iyong mga kasamahán saanmáng gúbat ay may áhas.
  • párang natukâ ng áhas
    ➞ Natitigilan, nabigla.
    Nang siyá ay lumapit sa akin para siyáng natukâ ng áhas palibhasa ay hindi niya akalaing alam ko na ang lahat-lahat.
  • hindî áhas na tulóg
    ➞ Buháy ang loob.
    Si Pedro ay hindî áhas na tulóg na kahit na matapakan sa ulo ay hindi kikibo.
  • áhas na tulóg
    ➞ Makupad, patay-patay, mabagal.
    Mahirap magtagumpay ang áhas na tulóg na tulad niya.
  • gumápang na párang áhas
    ➞ Maghirap, magdalita.
    Dahil sa matinding gálit ay isinumpa niya ang kaaway na gumápang na párang áhas.
  • áhas-báhay
    ➞ Laging nása báhay, hindi palapanaog.
    Mahirap maisama si Lita sa paglalakbay sapagkat siya ay isang áhas-báhay.

á•has

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MEDISINA Sakít sa balát na butlig-butlig at mamasâ-masâ.

á•has

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Táong hindi mapagkakatiwalaan, hindi tapat, o taksil.

Paglalapi
  • • ahásin, ináhas, umáhas: Pangngalan
  • • maáhas : Pandiwa
Idyoma
  • áhas sa damó
    ➞ Hindi tapat; taksil.
    Nabatid ng lahat na siya ay áhas sa damó kayâ wala nang nagtitiwala sa kaniya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?