KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•bú•so de kum•pi•yán•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
abuso de confianza
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Pagsasamantala sa tiwala ng kapuwa.

a•bú•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Labis-labis na paggamit ng tanging karapatan, kapangyarihan, o tiwala.

2. Hindi wastong paggamit ng anuman, lalo kung imoral o humahantong sa masamáng epekto.

3. Tingnan ang panggagahasà

4. Paggamit ng karahasan (lalo na sa sinumang may malapít na ugnayan).

Paglalapi
  • • abusúhin, inabúso, mang-abúso, umabúso: Pandiwa
  • • mapáng-abúso: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?