KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•bin•tes•tá•to

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Táong namatay nang hindi nakagawa ng hulíng habilin.

2. BATAS Pagkakaloob ng ari-ariang walang testamento.

a•bin•tes•ta•to

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Namatay nang hindi nakagawa ng hulíng habilin.

2. Hindi ibinigay sa pamamagitan ng testamento; hindi naipamana nang alinsunod sa batas.

Paglalapi
  • • pagkaabintestáto: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?