KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•ba•ká

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Halamang (Musa textilis) kauri ng punò ng saging na may sahang nakukunan ng himaymay.

2. Himaymay mula rito na ginagawang lubid, bag, basket, sombrero, at mga katulad.

Paglalapi
  • • abakahán: Pangngalan
Idyoma
  • may súnong na abaká
    ➞ Maputî na ang buhok; matanda na.
    Ang lolo ni Pete ay may súnong na abaká.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?