KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sis•té•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Mga bagay o bahagi na magkakaugnay at gumagana nang magkakasama.

2. Tingnan ang kaayusán

3. Tingnan ang pamamalákad

Paglalapi
  • • sumistéma: Pandiwa
  • • masistéma: Pang-uri

sis•té•ma ng ma•á•gap na ba•ba•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
early warning system
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

Pagkakaroon ng kaalaman, pagsusuri at pagfoforkast sa mga panganib, pagpapalaganap ng mga alerto at babalâ, at pagtugon sa mga ito, kung saan, ang mga nanganganib na indibidwal, pamayanan, at organisasyon ay makapaghahanda at makakikilos nang tama at magkakaroon ng sapat na panahon upang hindi gaanong mapinsala o mamatay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?