KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Damdáming nakukuha sa mga kanais-nais na kalagayan, gaya ng tagumpay, paglilibang, kasapatan, atbp.
ALEGRÍYA, GALÁK, LIGÁYA, SIYÁ, TUWÂ, LUGÓD, LUWALHÁTI, RAGSÁK

Paglalapi
  • • kasayáhan, pagsasayá, pakikipagsayá: Pangngalan
  • • ipagsayá, magpakasayá, magsayá, pasayahín, sumayá: Pandiwa
  • • masayá: Pang-uri

sá•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Maluwang na kasuotang pang-ibabâ na karaniwang hanggang tuhod o higit pa ang babà.

Paglalapi
  • • pagsasáya: Pangngalan
  • • magsáya, pagsayáhin, sayáhan: Pandiwa
  • • nakasáya: Pang-uri
Idyoma
  • andrés de sáya
    ➞ Malimit ikapit sa mga lalaking napangyayarihan ng asawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.