KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ha•tíd

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hatíd
Kahulugan

1. Balita o pasabing nakasulat at ipinadadalá sa isang mensahero (gaya ng impormasyon, payo, panuto, utos, atbp.).
May pahatíd buhat sa punong tanggapan.

2. Sa tula, ang hulíng bahagi o estropang nagpapahayag ng aral na ibig ituro ng makata sa mambabasá.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?