KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lú•song

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbabâ búhat sa itaas (tulad ng pagsuong sa baha).
IBÍS, PANÁOG

2. Paglawit ng mga halamang palapa.

Paglalapi
  • • paglúsong, palúsong, panlúsong: Pangngalan
  • • ilúsong, lumúsong, lusúngan, lusúngin, manlúsong: Pandiwa

lú•song

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paggawa ng walang bayad.
BATÁRIS, BAYANÍHAN

2. Pagpasok sa gawain o anumang hanapbuhay.

3. Pagsisimulang gumawa ng masamâ (tulad ng bisyong sugal at iba pa).

Paglalapi
  • • lumúsong: Pandiwa

lu•sóng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kasangkapang gawa sa kahoy na pinagbabayuhan ng palay, pinipig, atbp.

Idyoma
  • umíhip sa lusóng
    ➞ Gumawa ng sariling kasawian; ang ginawang masamâ ay sa kaniya tumama.
  • umupô sa lusóng
    ➞ Humanda sa matagalang pakikipag-usap.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?