KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kon•dis•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
condicion
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang kalagáyan
Maayos na ang kondisyón ng nanay ni Ara ayon sa doktor.

2. Alinman sa mga kailangang matupad bílang bahagi ng kasunduan.
May ilang kondisyón lang ako bago tanggapin ang alok mo.

3. Tingnan ang karamdáman
May kondisyón siya sa utak kung kayâ ay hiráp umunawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?