KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gí•las

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpapakíta ng galíng at husay.

2. Pagiging maginoo o elegansiya sa kilos, tikas, at pananamit.
BÍKAS, KÍSIG, TÍKAS, GALANTERÍYA, GÍTING

Paglalapi
  • • gilásan, magpagílas, paggílas, panggílas: Pangngalan
  • • manggílas, panggilásan: Pandiwa
  • • magílas: Pang-uri
Tambalan
  • • pakítang-gílasPangngalan
  • ➞ Pagpapakíta ng kahusayan, kaalaman, at iba pang kahanga-hangang katangian upang magyabang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.