KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•gát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Puwersang naibibigay ng bagay sa isa pang bagay na kinalalagyan nitó.

2. Pagiging matindi o malubha.
Ang bigát ng sakít niya ay inililihim pa sa kaniya.

3. Tingnan ang kahusáyan
Hinahangaan ko ang bigát mo sa siyensiya.

4. Pagkakaroon ng impluwensiya.

Paglalapi
  • • bigátin: Pangngalan
  • • bigatán, mabigatán, nabigatán: Pandiwa
  • • mabigát: Pang-uri
Idyoma
  • bigátin
    ➞ Iniuukol sa táong ipanalalagay na may káya sa búhay, sa kaalaman, o sa lakas o impluwensiya.
    Ang kaniyang inaama ay bigátin sa kanilang bayan.
  • bigát ng loób
    ➞ Samâ-ng-loob o gálit.
    May bigát ng loób ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin.
  • iginupò ng saríling bigát
    ➞ Ipinahamak ng kapalaluan.
    Pagkatanggal sa serbisyo ang kaniyang kakaharapin nang igupò ng saríling bigát.
  • saríling bigát
    ➞ Siyang ipananagot.
    Nalinlang mo siya ngunit saríling bigát mo lahat iyan sa harap ng Diyos.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?