KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bí•his

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang pananamít

2. Kasuotang magara.

bi•hís

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tapós nang magpalit ng suot na damit.
Bihís na siyá kayâ umalis na táyo.

bí•his

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Magpalit ng suot na damit.

Paglalapi
  • • bíhisán, pagbíhis: Pangngalan
  • • bihísan, magbíhis, pabihísan: Pandiwa
  • • pambíhis: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?