KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•gay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang natutukoy ng limang pandama o may pisikal na hanggahan, lalo na kung walang búhay.
Kung ano-anong bágay ang nakakalat sa sahig.

2. Alinman sa mga umiiral sa realidad at guniguni na hindi nais pangalanan.
Maraming bágay na kailangang isaalang-salang sa proyekto.
ENTIDÁD

Paglalapi
  • • pagkákabágay: Pangngalan
  • • bumágay, ibágay, makibágay, pakibagáyan: Pandiwa

bá•gay

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang akmâ
Hindi bágay sa kaniya ang magpari.

Paglalapi
  • • pagkakabágay-bágay: Pangngalan
  • • makibágay: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?