KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•boy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Hayop na pink, itim, o kayumanggi ang balát, apat ang paa, mahaba ang bilugang katawan, nakakurba ang maikling buntot, at inaalagaan upang kainin na pinanggagalingan ng mga produktong gaya ng hamón at bacon.
BABÌ

bá•boy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang salaulà

Paglalapi
  • • babuyán, magbababóy, pambabáboy: Pangngalan
  • • babúyin: Pandiwa
Idyoma
  • patabáing báboy
    ➞ Tawag o bansag sa mga táong tamad.
    Isang patabáing báboy ang ama kayâ hiráp na hiráp ang kanilang ina.
Tambalan
  • • kulót-báboyPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.