KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ba•lig•tád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
baligtád
Kahulugan

1. Pagkabuwal na ang ulo at likod ang unang tumatamà sa kinabuwalan.

2. Pag-anib o pagkampi sa dati ay kasalungat.
Inaasahan na ang pagbaligtád niya sa kanilang partido.

3. Pag-iba sa pagkakalagay ng dalawang bagay, ang hulí ay ilalagay sa una at ang una ay ihuhulí.

4. Pag-iba sa kaayusan (gaya ng ang panloob ay ilalabas at ang panlabas ay ipaloloob).
Pinagtawanan si Joel sa pagbaligtád niya ng kaniyang damit.

5. Pagtiwarik, ang itaas ang nása ibabâ at ang ibabâ ang nása itaas.

6. Pagtumbalik; ang paggawâ ng kasalungat.
Nagprotesta ang mamamayan sa pagbaligtád ng hukuman sa hatol.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.