KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

di•sip•lí•na

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
disciplina
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pagpapanatili ng kaayusan sa isang pangkat, pook, atbp. sa pamamagitan ng pagsasanay at mga alituntunin.
SUHÉTO

2. Tawag din sa pagkakaroon ng sinuman ng kabutihang-asal o wastong kilos na naaayon dito.

3. Tawag din sa parusa kung hindi nakasusunod dito.

4. Sangay ng karunungan, karaniwang pantukoy kung sa antas ng pamantasan.
Mahusay siyang iskolar sa disiplína ng kemistri.

Paglalapi
  • • disiplináhin, madisiplína: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?