KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•bô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Panghúli ng isda na tíla hawla, yarì sa nilálang lapát na kawáyan, at sa malalim na dáko ng dagat inihuhulog.
BAKLÁD, KURÁL

bu•bô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang payáso

bu•bô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkatapon ng likido kung punóng-punô ang sisidlan.

Paglalapi
  • • mabubô: Pandiwa

bu•bó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagtakot at pagpapalayô ng mga manok.
BÚGAW

bu•bò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasalin ng likido mula sa sisidlan.

2. Pagbubuhos sa molde ng likido o lusáw na materyal upang magkahugis kapag tumigas (gaya ng tingga, ginto, atbp.).

bu•bô sa hí•pon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Panghúli ng hipon sa Lawa Laguna na hugis-bumbong at may páin

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.