KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•sok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Puti, itim, o abuhing kombinasyon ng mga gas sa hangin na likha ng materyal na sinunog o kumukulong tubig.

Paglalapi
  • • pagpapaúsok, páusukán: Pangngalan
  • • inusúkan, nagpaúsok, nausúkan, pausúkan, pausúkin, pinausúkan, umúsok: Pandiwa
  • • maúsok: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.