KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•sig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BATAS Pagsisiyasat ng isang maykapangyarihan sa sinumang pinaghihinalaang gumawa ng pagkakasála sa hukuman upang maláman ang katotohanan.
SIPHÁW

Paglalapi
  • • pag-úsig, pang-uúsig, pinág-uúsig, tagaúsig: Pangngalan
  • • inuúsig, inúsig, ipinaúsig, mag-úsig, pag-usígin, umúsig, usígin: Pandiwa
  • • pinág-uúsig: Pang-uri
Idyoma
  • pag-usígin ng budhî
    ➞ Pagkabalisa dahil sa nagawang hindi mabuti.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.