KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•mang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang patibóng

2. Anumang bagay na ginagawa ng kapuwa upang malinlang ang iba.

3. Paglalagay ng anuman sa bungad ng bútas na ibig pagpasúkan.

4. Pagbubuyô sa kapuwa sa isang gawaing masamâ.

Paglalapi
  • • pang-úmang: Pangngalan
  • • iúmang, mag-úmang, umángan: Pandiwa

ú•mang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Uri ng alimango (pamilyang Paguroidea) na mayroong malambot at hindi pantay na hugis ng tiyan at umaangkin sa mga talukab na walang lamán, tulad ng sa susô.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?