KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•lok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang hímok

2. Tingnan ang sulsól

Paglalapi
  • • maulukán, ulúkan: Pandiwa

u•lók

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Uri ng ibong (Gallinura chloropus) kasinlaki ng kalapati, kulay-itim, maikli ang tukâ at pulá ang ilong, karaniwang nakikíta sa masusúkal na latian at kumakain ng mga insekto, maliliit na susô, at halamang-tubig.

u•lók

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang ulót

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.