KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•bod

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Malambot at makunat na bahagi ng katawan ng mga halaman at bungangkahoy na nása pinakagitna.

2. Anumang nása sentro ng isang usapin, kilusan, atbp.
DIWÀ

ú•bod

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nása sukdulang antas ng anumang katangian.
Úbod ng tápang ang kapitán ng barangay namin.
SAKDÁL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.