KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

or•dén

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Kapatiran sa pananampalataya (gaya ng orden ng San Francisco, orden ng Rekoleta, atbp.).

Paglalapi
  • • magpaordená, ordenahán: Pandiwa

or•dén

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang áyos

2. BIYOLOHIYA Pag-uuri ng mga magkakaugnay na hayop o halaman na mas mababà sa klase at nakatataas sa pamilya.
Napabibílang ang pusa sa ordeng Carnivora.

Paglalapi
  • • pag-oordén: Pangngalan

or•dén

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang útos

Paglalapi
  • • mag-ordená, mag-ordén, ordenán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?