KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

í•kid

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Parolyong ayos ng sinulid, kable, laso, pisì, talì, at iba pang katulad.
Nakita mo ba ang íkid ng sinulid na binili ko?
BÍDBID, BILÍBID, KIDKÍD, LÍKAW, LÍKID

2. Pagpulupot ng lubid, pisì, sinulid, o anumang himaymay.
Liitan mo ang íkid ng lubid pára madaling bitbitin.
KIDKÍD, BILÍBID, LÍKAW

Paglalapi
  • • ikirán: Pangngalan
  • • iíkid, ikírin, ikíran, mag-íkid.: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?