KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•yon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpayag, pakikiisa, o pagsunod sa ibig ng iba.

2. Tingnan ang bátay

Paglalapi
  • • pag-aayúnan, pag-áyon, pagkakaáyon, pakikiáyon: Pangngalan
  • • ayúnan, iáyon, mapaáyon, nakiáyon, umáyon: Pandiwa
  • • di-kaáyon, kaáyon, magkaáyon, nagkaáyon, nakaáyon, paáyon: Pang-uri
  • • paáyon: Pang-abay

á•yon

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Payag; sang-ayon.

á•yon

Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol
Kahulugan

GRAMATIKA Pang-ukol na karaniwang sinusundan ng "sa" o "kay" na nagkakawing sa lohika o kung saan nagmula ang isang kilos.
ALINSÚNOD, BÁTAY

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.