KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•sál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
asar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang íhaw

Paglalapi
  • • inasál: Pangngalan
  • • mag-asál: Pandiwa

á•sal

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Gawi ng isang tao, lalo na sa pakikitúngo sa iba.
KÍLOS, UGALÌ

Paglalapi
  • • kaasálan, pag-aásal: Pangngalan
  • • asálan, asálin, inásal, mag-ásal, pag-asálin, umásal: Pandiwa
Idyoma
  • ásal-batà
    ➞ Nása hustong gulang na subalit kilos o ugaling batà pa.
  • ásal-háyop
    ➞ Táong may masamang ugali o budhi.
Tambalan
  • • kabutíhang-ásal, kagandáhang-ásal, kalinísang-ásalPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.