KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ár•ko

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
arco
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Bahagi ng isang bilog o guhit na nakakurba sa simetrikong paraan.

2. Estruktura na may ganitong anyo na nagdadalá ng bigat na nasa ibabaw nitó gaya ng bubong, tulay, pader, atbp.
BALANTÓK

3. Panghilis ng biyolin at iba pang instrumentong pangmusikang kauri nitó.

Paglalapi
  • • pang-árko: Pangngalan
  • • inárkuhán, umárko, árkuhán: Pandiwa
  • • maárko, nakaárko: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.