KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•ral

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglaan ng panahon upang matutuhan ang isang bagay o kumalap ng kaalaman.

2. Pagpasok sa paaralan bílang mág-aarál.

3. Kabutihang itinuturo ng anuman.
LEKSIYÓN

Paglalapi
  • • aralán, aralín, arál-arálan , kamag-arál, mag-aarál, mangangáral, pag-aáral, pangáral, pinag-arálan, páaralán: Pangngalan
  • • ináral, mag-áral, magpaáral, mangag-áral, mangáral, mapag-arálan, mapag-áral, mapangarálan, pag-arálan, pag-arálin, pangarálan, papag-arálin: Pandiwa
  • • mapangáral, palaarál, pampaaralán, pinangarálan, pinág-áarálan: Pang-uri

a•rál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakapag-aral.
Halata sa kaniyang pananalita ang pagiging arál.

2. Tingnan ang planádo
Arál ang kilos niya para makaiwas sa gulo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?