KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•mag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Organismong mamuti-muti, lungtian, o abuhin na karaniwang namumuo sa anumang bagay na luma, nabubulok, o naiwan nang matagal sa pook na mainit o basâ.
ÁB-AB

Paglalapi
  • • amágin, inámag: Pandiwa
  • • inaámag: Pang-uri
Idyoma
  • inaámag na
    ➞ Matagal na; napakatagal nang nakatago, hindi natitinag sa kinalalagyan.
    Inaámag na ang salapi ng matanda na matagal nang nakaimbak sa kaniyang silid.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?