KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang ibinibigay nang kusang-loob.

2. Anumang iniuukol sa paniniwalang panrelihiyon tulad ng panata, dasal, atbp.
HANDÓG

3. PANGINGISDA Mga unang sandali ng paghuhulog ng lambat na ipinangkukulong sa kawan ng isda.

Paglalapi
  • • pag-aálay, pag-álay, pang-álay: Pangngalan
  • • aláyan, inálay, iálay, mag-álay: Pandiwa
Idyoma
  • aláyan nang pabalat-bunga
    ➞ Alukin nang hindi taos sa puso; pakunwari.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.