KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

yu•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkasira ng hugis ng anumang bagay na matigas, ngunit may kunat at may lápad.

2. Tawag din sa pagkakatupi ng alinmang panig nitó.

Paglalapi
  • • mayupì: Pandiwa

yu•pî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nasira ang hugis (kung sa bagay na matigas).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.