KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ya•yà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
a•yà
Kahulugan

Paghikayat sa isang tao upang sumáma sa kaniya sa anumang gawain o patutunguhan.
ANYÁYA, KÁYAG, YÁKAG

Paglalapi
  • • magyayà, mangyayà: Pandiwa

yá•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Babaeng inuupahan upang mag-alaga ng sanggol o batà.
ÁMA, SISÍWA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.