KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tak•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtatalaga ng isang tiyak na bagay (lalo na kung panahon, pook, súkat, gawain, hangganan, atbp.) na dapat isaalang-alang o tuparin.
LIMITÁ, LIMITASYÓN, LIMITÉ

2. Ang bagay na itinalaga.

Paglalapi
  • • pagtakdâ, pantakdâ, patakdâ: Pangngalan
  • • itakdâ, magpatakdâ, magtakdâ, matakdaán, patakdaán, takdaán: Pandiwa

tak•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa anumang itinalaga na dapat isaalang-alang o tuparin.
Sumapit na ang takdáng panahon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.