KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tú•ring

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtingin o pagtrato sa isang tiyak na tao.
Kapatid lang ang túring ko sa kaniya.

2. Iniaalok na halaga ng nagtitinda sa kaniyang kalakal.
Magkano ang túring mo sa bag na ito?
PUHÁR, TAMPÁ, TÁWAD

Paglalapi
  • • pagtutúring, pantúring: Pangngalan
  • • itúring, magtúring, maturíngan, paturíngan, turíngan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.