KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•bok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Lihim na pagmamatyag sa isang ibig hulíhin o maláman ang ginagawa.

2. Pagmamasid sa isang sinusubaybayan upang matiyak kung ano ang ginagawa.

3. Pagsúkat ng sapatos o gámit upang maláman kung kásiyá.

4. Unang pagtikim (kung sa pagkain upang maláman kung magugustuhan).

5. Pag-alam kung may nalalaman o wala.

Paglalapi
  • • manunúbok, pagkakasúbok, pagsúbok, panunúbok: Pangngalan
  • • isúbok, magsubukán, manúbok, masúbok, pasubúkan, subúkan, subúkin, sumúbok: Pandiwa
  • • subók: Pang-uri
Idyoma
  • nasubúkan sa pagtáe
    ➞ Nahúling hindi nakahanda.
  • hindi masusubúkan
    ➞ Hindi maaaring mahalata sa pakikisama; hindi matatawaran ang kakayahan.

su•bók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Kilalá na ang kakayahan.

2. Nakalampas na sa pagsusuri.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.