KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pus•lít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Patagong pagpapalabas ng isang bagay na ninakaw.

2. Pagtakas nang palihim.

3. Pagpunta sa isang pagdiriwang (gaya ng kasal) nang walang paanyaya.

4. Sinumang panauhing hindi inanyayahan.

5. Anumang ipinagbabawal na dalhin o iangkat sa isang lugar.

Paglalapi
  • • ipuslít, magpuslít, pumuslít, puslitán : Pandiwa

pus•lít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa mga bagay na palihim na kinuha o ipinasok sa isang lugar kahit ipinagbabawal.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.