KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•hi•wá•tig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hiwátig
Kahulugan

1. Mga salita o pahayag na hindi tuwirang nagbibigay sa ibig ipakahulugan o mabatid ng kausap.
Hindi ko naintindihan ang pahiwátig niya na gustong sumáma sa pamamasyal.
PARAMDÁM, PASÁRING, PARINÍG, PARUNGGÍT

2. Tingnan ang palatandáan

pa•hi•wá•tig

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Salitang-ugat
hiwátig
Kahulugan

Sa paraang hindi sinasabi nang tuwiran.
Pahiwátig lang siyang kumokontra sa panukala.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.