KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•rang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Malawak na kapatagan na karaniwan ay damuhan at hindi nabubungkal; kabukirang walang tumitirá.

Paglalapi
  • • kaparángan: Pangngalan
  • • mamárang: Pandiwa

pá•rang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Malakí at mabigat na patalim na ginagamit sa paghahawan sa gulayán.

pá•rang

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Pinagmulang Salita
pára+na
Kahulugan

Tingnan ang pára
Párang umiiyak siya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.