KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•ik•lî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
iklî
Varyant
ma•ig•sî, ma•ik•sî
Kahulugan

1. Kulang sa habà.
Masyadong maiklî ang kaniyang suot na damit
PUTÓT

2. Kakaunti ang panahon.
Maiklî lámang ang panahong ibinigay ng lupon pára sa pagsusumite ng proyekto.

3. Nakabuod ang sinasabi.
Natapos agad ang panayam ni Mayor Ilagan dahil maiklî ang binasang papel.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.